Text

Wikang Laban sa Babae

MISOGYNYAng misogyny ay tradisyonal na nailalarawan bilang ang pagkapoot sa mga kababaihan.Isang parirala na kadalasang ginagamit upang makilala ang mga marahas na gawa laban sa kababaihan.Ang mga kababaihan ay patuloy na sumasailalim sa mga kasamaan ng misogyny na dulot ng mga lalaki. Isa na rito ang wikang misogonista tulad ng mga walang galang na pahayag (na napakarami at iba-iba) na nagpapababa ng halaga sa kababaihan.

Text

Text

SINO ANG TINATARGET NITO?
mga babae, maski bata o matanda, mahirap o mayaman.
WIKANG MISOGONISTA?
Ito ay wikang naglalayon magdiskrimina base sa seks o kasarian. Ito ay maaring maikalsipika sa negatibong wika at positibong wika.

Text

Mga Halimbawa ng wikang laban sa babae

Positibong Wika

may layuning ikahon ang mga babae sa ‘mabubuting’ stereotypes. Mabuti man ang mga salitang ikinakabit nito sa kababaihan, ito ay nakakahamak parin dahil dinidiskrimina nito ang mga babaeng hindi nagtataglay ng mga katangiang ito.

“Mahinhin ang mga babae.”
“Dapat lang na malambing siya, babae siya eh.”
“Dapat ikaw ay maalahanin at mapagmahal dahil babae ka.”

Ang mga halimbawa na ito ay naglalarawan sa kung anong dapat daw na katangian ng mga babae. Hindi man tuwiran ang misogyny, ipinapalagay ng mga ito na hindi-kapuri-puri ang mga babaeng walang ganitong katangian. Bukod dito, nakakahamak rin ito sa mga lalaki dahil ipinapalagay ng mga stereotype na ito na hindi maaalalahanin, mapagmahal, o malambing ang mga babae.
“Ang bait-bait naman ng babaeng yan, siguro birhen pa siya.”
Isa ito sa mga pinakaproblematic na positibong stereotype tungkol sa mga babae. Initataas ang mga babaeng birhen o hindi pa nakikipagtalik at ibinababa ang mga babaeng nakipagtalik na sa ibang lalaki.

Text

Text

Negatibong Wika

may layunin nitong pagmukhaing masama ang mga babae at palalain ang mga pangit na katangiang ikinakabit sa kanila.

“Bakit lalampa-lampa ka? Para ka namang babae!”
Ang painsultong paghahambing na ito ay madalas ginagamit upang ibaba ang kausap, pero ibinababa rin nito ang kababaihan. Pinapahiwatig nito na masama o kainsu-insulto ang pagiging babae dahil siya raw ay mahina, lampa, iyakin, at iba pang steryotipikal na katangian.
“Kababae mong tao!”
Ang pariralang “kababae mong tao” ay ginagamit upang ipahiya ang kausap na babae dahil hindi niya raw isinasang-alang-alang ang kanyang pagiging babae.
“Napakamakipot naman niya, ang hard-to-get!”
Ang paglalarawan sa isang babae bilang ‘makipot’ kapag siya ay tumatanggi sa panliligaw ay negatibong seksismo rin. Hindi nito nirerespeto ang desisyon ng babae at ipinapalagay na gusto niya ang atensyon ngunit ‘nagpapakipot’ lamang siya.
“Nakakairita siya, napakabungangera!”
Pinapalala nito ang stereotype na mabunganga at masatsat ang mga babae at dahil dito, madalas na hindi sineseryoso ang mga sinasabi nila. Marami naman ring lalaking talak nang talak, ngunit pinakanakapokus sa babae ang mga stereotype na ito.

“Ang gaslaw-gaslaw mo kung makakilos!”
Ang pagkilos na parang lalaki ay ikinakahiya sa mga babae at tinatawag silang magaslaw. Iniipit nito ang mga babae sa stereotype na dapat mahinhin lamang ang mga babae.
“Napakalandi naman ng babaeng yan!”
Ang pagiging malandi ay sobrang ikinakahiya sa mga babae. Isa to sa mga pinakanegatibong katangiang pwedeng ikabit sa kanya. Kapag tinatawag na malandi ang isang babae, ipinapalagay na siya ay marumi, hindi disente, ay hindi kanais-nais.